Are Korean men nice?

May nagtanong sakin dati and to be honest, I was a bit taken aback. Hindi naman masama yung tanong. Minsan kasi kahit obvious na yung sagot, tinatanong parin. Is it because of mere curiosity or something else? What’s worse than explaining something to people whose ears are shut down. Might as well, explain nothing, right?

But then again, we sometimes just want to put things into words only to try making them understand. So here goes nothing.

As someone married to a Korean guy and living under the same roof, people assume that I know the answer very well. Parang Google lang? Ganun? Pero kung sa experience ko lang, isa lang talaga sagot ko. Wala po silang pinagkaiba sa atin. Bilang isang tao, minsan mabait tayo, minsan hindi, minsan tanga, minsan kalog, and the list goes on. May ibang tao din naman na mas nangingibabaw yung pagka sira ulo kaysa sa pagiging mabuti and vice versa.

Kung sa culture naman, depende po yun sa tao. May Koreans na sumusunod sa culture nila 100% especially kung sa Korea sila nakatira. Halimbawa, yung gusto nila na yung wife ay sa bahay lang talaga, di pwede mag work. Patriarchal society po kasi ang Korea, ibig sabihin nasa tuktuk ng pyramid yung mga lalake kaya sila dapat masusunod. But I think, it’s changing nowadays pero meron parin Koryanong ganyan ngayon. On the other hand, tulad ng husband ko na nakatira sa Japan, he doesn’t mind if I work or not. Hindi ko rin po na.fefeel na under nya ako. Patas ang laban! Hehe. I think meron din ganyan yung mga Koryanong naninirahan sa ibang bansa.

Meron din part na halos parepareho sila. Gaya nalang ng pagiging mabisyo. Yung Korean students ko dati, napaka gimikero. Oras ng classes namin maaamoy mo pa yung alak mula kagabi. Hehe. Kinukwento din nila sakin na mahilig din uminom yung parents nila. So kung ikaw yung type na hindi ganito, hindi mo talaga magugustuhan yung tao. Pero who are we to judge? Buhay nila yan eh, di dapat tayo nakikialam. Basta alam mo na yan. Once nalaman mo na ganyan yung Korean boyfriend mo or mapapangasawa mo, dapat ready kana sa magiging buhay nyo. You need to think about it a hundred times kung kaya mong pakisamahan sya habambuhay. Buti nalang talaga na hindi ganyan yung husband ko.

Isa pang common behavior nila ay yung pagiging workaholic. I don’t know kung ganito parin ba yung new generation. Pero may kakilala akong ganun parin sila. Work, work, work yung gusto nila. It’s up to you kung matatanggap mo na minsan uunahin nila yung work kaysa sayo.

Ayaw ko na’to pahabain pa kasi nagugutom na ako ngayon. Kung may gusto kang ishare, don’t hesitate.

Advertisements

2 thoughts on “Are Korean men nice?

  1. “Wala po silang pinagkaiba sa atin. Bilang isang tao, minsan mabait tayo, minsan hindi, minsan tanga, minsan kalog, and the list goes on.” This got me, like really. Totoo nga naman. 😀

    Like

Leave a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.